Love At First Read: The One That Got Away

Sa ikatlong linggo ng bagong kilig series ng GMA na Love At First Read, mas tumitindi na ang plot twists sa kuwento ng mga karakter nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara bilang sina Kudos Pereseo at Angelica De Makapili.
Sa pagpapatuloy ng kanilang kuwento, may mga bagong karakter na pumasok na nagbibigay ngayon ng anghang sa kanilang love story.
Sa pagdating ng TOTGA o The One That Got Away ni Kudos na si Hazel, mapigilan kaya nito ang namumuong pagkakamabutihan nina Kudos at Angelica?
Balikan ang ilang eksena sa third week ng Love At First Read sa gallery na ito:









