GMA Logo Sofia Pablo at Allen Ansay
What's on TV

Sofia Pablo at Allen Ansay, nagkuwento sa roles nila sa kilig series na 'LUV IS: Caught In His Arms'

By Aedrianne Acar
Published September 20, 2022 8:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo at Allen Ansay


Paano bibigyan buhay nina Sofia Pablo at Allen Ansay ang role nila bilang sina Florence at Nero?

Naghatid ng kilig last Sunday (September 18) sa Manila International Book Fair ang Team Jolly, kung saan may exclusive sneak-peek sila sa trailer ng kanilang bagong kilig series na LUV IS: Caught In His Arms.

Isang adaptation ito ng hit Wattpad series ni Ventre Canard.

Sa exclusive report ng 24 Oras, nakasama nina Sofia Pablo at Allen Ansay sa meet and greet ang mga co-stars nila na sina Vince Maristela, Michael Sager, Sean Lucas, at Raheel Bhyria.

Ayon kay Sofia Pablo, dama nila ang matinding suporta ng fans ng 'LUV IS'.

Lahad ng Sparkle actress, “Ramdam na ramdam po namin 'yung suporta nila, para ipakita 'yung suporta at pagmamahal hindi lamang sa amin kundi para na rin sa author kay Ventre Canard, lalo ngayon na nag-face reveal na siya.”

Exciting din ang marami kung paano bibigyan-buhay ng Sparkle Sweethearts ang role bilang si Florence at Nero.

Isinilarawan ni Sofia na malakas ang personality ng character niyang si Florence. Aniya, “Very strong! Kitang-kita ng mga reader sa trailer na palaban siya, siyempre magbabago 'yung mundo niya nang makilala niya si Nero.”

Mabusisi naman ang naging preparasyon ng StarStruck heartthrob na si Allen para mai-portray si Nero Sebastian Ferell.

“Ako naman, sobra ako na-pressure sa character ko, kasi ibang-iba si Allen Ansay kay Nero Sebastian Ferell. Nag-practice talaga ako, inaral kung paano gumalaw bilang mayaman.” saad ng Kapuso actor.

Hindi naman nakalimutan ng Team Jolly na magpaabot ng pasasalamat sa kanilang loyal supporters.

Sabi ni Sofia, “Kung wala kayo, wala rin kami. So, maraming salamat and we love you all.”

Sinegundahan naman ito ni Allen, “Basta ang masasabi lang po namin na super excited kami na mapanood nila itong LUV IS: Caught In His Arms”

SWEETEST PHOTOS OF SOFIA AND ALLEN:

Embed: