TV

Vince Maristela at Cheska Fausto, ikinuwento ang naging paghahanda para sa 'Luv is: Caught in His Arms'

By Jimboy Napoles

Marami na ang nag-aabang sa upcoming kilig serye ng GMA na Luv is: Caught in His Arms na pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay kasama ang ilan sa miyembro ng Sparkada na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.

Sa shooting ng 2022 GMA Christmas Station ID na ā€œLove is us this Christmas,ā€ ekslusibong nakapanayam ng GMANetwork.com sina Vince at Cheska tungkol sa kanilang paghahanda sa kanilang first-ever Kapuso series.

Ayon sa Sparkada hunk na si Vince, isa sa kanyang unang pinaghandaan ay ang pakikitungo sa kanyang co-stars sa serye.

Aniya, "Pinaka-naging preparation ko sa Luv is: Caught in His Arms is 'yung relationship work, mas kinilala ko 'yung mga co-artists ko para pagdating sa set or sa eksena ay hindi na ako nahihiya and mas raw 'yung eksena namin."

Ibinahagi naman ng up-and-coming Kapuso teen actress na si Cheska na dumaan sila sa matitinding workshops bago sila sumabak sa taping. Ito ang nagsilbi niyang preparasyon para sa kanyang pinaka-unang proyekto sa GMA.

Kuwento niya, "Itong Luv is: Caught in His Arms, ito talaga 'yung first-ever project ko na teleserye with GMA kung baga ito 'yung naging launching project namin ng Sparkada and talagang bago kami sinabak sa taping talagang dumaan kami sa intensive workshops like acting workshop with Ms. Ana Feleo and communications workshop din with Sir Jeff Garcia kasi nga just like me madalas akong mag-Ingles before and kailangan marunong din akong mag-Tagalog so 'yun po acting and communications workshop."

Ang nasabing serye ay ang first collaboration project ng GMA Network at Wattpad Webtoon Studios na TV series adaptation ng hit Wattpad novel ng Filipino author na si Ventrecanard na Caught in his Arms.

Bukod sa Team Jolly at Sparkada, dapat ding abangan sa naturang kilig series ay ang ilan sa mga batikang aktor ng industriya kabilang na sina Ariel Ureta, Audie Gemora, Debraliz Valasote, Gio Alvarez, Boom Labrusca, at Denise Joaquin.

Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.

SAMANTALA, KILALANIN ANG SPARKADA NG GMA SA GALLERY NA ITO: