
Umani ng papuri mula sa netizens ang rendition ni Zephanie sa kantang "Can This Be Love," na siyang theme song ngayon ng pinakabagong kilig series ng GMA na Luv is: Caught in His Arms.
Noong Linggo, January 15, marami ang humanga sa "breathtaking" na performance niya ng R&B-pop song sa All-Out Sundays.
Ilan sa mga papuring natanggap ng batang singer-songwriter ay "ang ganda ng boses niya kinilig ako" na mula kay Komisan.
"Gusto ko 'yung sweet voice niya nakakakalma kasi," sabi ni Jhane Corral.
"It's breathtaking to watch her on stage. Not only she attracted us with her beauty but also she pulls us with her voice. OMG! Zephanie," komento naman ni Rachel Lenjun.
"Very calm and cool voice, yet so beautiful. More series theme songs for her," pagbabahagi ni Dudzski TV.
"Goosebumps! Kahapon pa ako na LSS sa 'Can This Be Love," dagdag ni Josephine Baluca.
Samantala, inilabas na ng GMA Playlist kahapon, January 16, ang official lyric video ng rendition ni Zephanie ng "Can This Be Love." Panoorin sa ibaba:
Patuloy na subaybayan ang Luv is: Caught in His Arms, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
MAS KILALANIN SI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO: