GMA Logo Sofia Pablo, Allen Ansay
Source: Team Jolly (YouTube)
What's on TV

Allen Ansay, napikon sa prank nina Sofia Pablo at 'Luv Is: Caught in His Arms,' co-stars?

By Jimboy Napoles
Published February 8, 2023 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: April 18, 2026
Indonesian rising star Arash Buana to play first-ever international shows in Manila
Huwag Kang Titingin | Princess Aliyah and Fred Moser

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo, Allen Ansay


Ano kaya ang ginawa nina Sofia Pablo at kanilang co-stars sa 'Luv Is: Caught in His Arms' at bakit nagdabog si Allen Ansay?

Bentang-benta ngayon sa fans ng Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay o mas kilala bilang Team Jolly ang kanilang latest vlog na prank sa kanilang co-stars sa Luv Is: Caught in His Arms na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, at Sean Lucas.

Sa simula ng vlog, makikitang hindi pinapansin nina Sofia at ng apat na Sparkada boys si Allen kahit pa panay ang tawag nito sa kanila habang sila ay kumakain sa isang lamesa.

Kabado at natatawa naman sina Michael, Vince, Raheel, at Sean sa ginagawa nilang pag-i-ignore kay Allen at nang hindi nila nakayanan ay isa-isa silang umalis sa kanilang puwesto pero agad din silang bumalik.

Sa gitnang bahagi ng video, makikitang nainis na si Allen sa kanyang mga kasama at nagdabog ito bago umalis. Agad namang sinundan ni Sofia ang kanyang on-screen partner.

Habang wala ang dalawa, nag-usap ang apat na boys sa naging reaksyon ni Allen at natakot sa posibleng maramdaman nito sa kanila.

“Prank lang 'to dapat,” ani Raheel.

“Ayun, gumana,” natatawang sinabi ni Vince.

Maya-maya pa ay bumalik na sina Sofia at Allen sa kanilang table at biglang nanahimik ang apat dahil galit pa rin ang kanilang kaibigan na si Allen.

Upang mawala na ang tensyon, agad na nagsalita si Raheel.

“Wala bro prank lang 'yun,” sabi niya kay Allen.

Laking gulat naman nila sa sinagot ng kaibigan.

“Ayun nga, pina-prank nga namin kayo,” sagot ni Allen at agad na tumawa nang malakas.

Nagulat naman ang apat na sila pala ang talagang victim ng prank nina Sofia at Allen at ang totoong mastermind pala ay ang dalawa.

“Naawa pa ako sa'yo!” banat ni Raheel kay Allen.

Naganap ang nasabing prank habang nasa taping ang lima ng kanilang pinagbibidahang kilig series na Luv Is: Caught in His Arms. Mapapanood ang nakakakilig na serye Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Panoorin ang nasabing vlog ng Team Jolly sa video sa ibaba:


SILIPIN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS, DITO: