GMA Logo Luv is: Caught in His Arms, Week 4
What's on TV

Luv is: Caught in His Arms: Nero and Florence as newest couple sa GU | Week 4

By Jimboy Napoles
Published February 16, 2023 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Luv is: Caught in His Arms, Week 4


Balikan ang exciting episodes sa ikaapat na linggo ng 'Luv is: Caught in His Arms,' DITO:

Sa ikaapat na linggo ng Luv is: Caught in His Arms, mas tumindi pa ang adventure ni Florence bilang isang estudyante ng Gyronella University.

Nagsimula na ang Agora Day kung saan mamimili ang communication arts students ng kanilang bagong Communication Department Head. Sa naging eleksyon, matindi ang naging laban nina Camille at Florence.

Sa naging speech ni Florence, sinabi niya na dapat piliin ng mga estudyante ay ang may pusong lider. Marami naman ang na-impress sa kanya pero naghanda pala si Camille ng kanyang paninira laban kay Florence kung saan nagpakita siya ng mga edited pictures ni Florence kasama ang iba't ibang lalaki. Dahil dito, to the rescue naman si Nero at sinabing nagsisinungaling si Camille dahil magkasama sila ni Florence at girlfriend niya ang huli.

Bagamat nakaligtas si Florence sa paninira ni Camille, hindi naman niya ikinatuwa ang pag-rescue at pagsisinungaling ni Nero at ng kanyang mga pinsan na sina Owen, Tristan, Aldus, at Troy.

Sa kabila nito, binalaan din ni Owen si Nero na huwag sasaktan ang damdamin ni Florence para lamang pagselosin ang kanyang ex-girlfriend na si Antonia. Kinabukasan, inamin naman ni Nero kay Florence ang kanyang intensyon, dahil dito pumayag na siya na magpanggap sila na magkasintahan.

Pagpasok nila sa Gyronella University, kinailangan ng dalawa na maging sweet sa isa't isa upang hindi mapahiya si Nero. Ang araw rin na iyon ang first meeting ni Florence bilang bagong Communication Arts Department Student Head. Sila ang magiging abala para sa gaganapin na GU Ball. Pagkatapos ng meeting, sinundo ni Nero si Florence at dinala sa mamahaling restaurant, pero hindi naging komportable rito si Florence dahil sa mahal na pagkain. Nauwi naman sa pagkain ng street foods ang kanilang unang date.

Kinabukasan, nakita naman ni Florence na masyadong pinapagalitan ni Mr. Villarico ang kanyang anak na si Camille kung kaya't agad niya itong ipinagtanggol. Nagalit naman si Mr. Villarico sa ginawang pangingialam ni Florence, buti na lamang ay dumating ang Ferell brothers at ipinagtanggol din si Florence.

Dahil dito, ini-report ni Mr. Villarico ang nangyari kay Don Rogelio. Agad naman na kinausap ni Don Rogelio si Lolo Garp dahil sa ginawa ng kanyang mga apo at ni Florence. Sa una ay disappointed pa si Lolo Garp sa ginawa ni Florence pero nang ilahad na niya na nakita niyang sinasaktan ni Mr. Villarico si Camille kaya niya ito tinulungan ay nawala ang galit nito. Hindi naman makapaniwala si Don Rogelio nang makita si Florence, dahil kamukhang-kamukha ito ng kanyang nawawalang apo.

Kalaunan, naging magkaibigan na rin sina Florence, Camille, Aira, at Lina dahil sa ginawa ng una upang ipagtanggol sila.

Balikan ang kilig episodes sa Luv is: Caught in His Arms sa mga video sa ibaba:

Luv is: Caught in His Arms | Full Episode 16 (February 6, 2023)

Luv is: Caught in His Arms | Full Episode 17 (February 7, 2023)

Luv is: Caught in His Arms | Full Episode 18 (February 8, 2023)

Luv is: Caught in His Arms | Full Episode 19 (February 9, 2023)

Luv is: Caught in His Arms | Full Episode 20 (February 10, 2023)