GMA Logo Caitlyn, Cheska, Tanya, Kirsten
What's on TV

Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Tanya Ramos, at Kirsten Gonzales ibinahagi ang mga natutunang aral sa 'Luv Is: Caught in His Arms'

By Jimboy Napoles
Published March 6, 2023 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BI lauds immigration officers posted at manned airports, seaports amid holidays
Cebu Archbishop: There is hope for the Philippines
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Caitlyn, Cheska, Tanya, Kirsten


Nakilala sila bilang mga palabang babae sa kanilang mga karakter, pero ano nga kaya ang mga natutunan nina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Tanya Ramos, at Kirsten Gonzales sa kanilang mga karakter sa Luv Is: Caught in His Arms? Alamin DITO:

Sa nalalapit na pagtatapos ng kilig series ng GMA na Luv Is: Caught in His Arms, ibinahagi ng ilan sa cast ng serye na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Tanya Ramos, at Kirsten Gonzales ang ilan sa mga aral na kanilang natutunan mula sa mga ginampanan nilang karakter sa naturang series.

Kasabay ng kanilang Grand Fans Day kamakailan ay sumalang din sa isang maikling panayam ang teen actresses sa GMANetwork.com. Dito ay ibinahagi nila ang mahalagang aral na kanilang nakuha sa serye.

Ayon kay Caitlyn na gumanap bilang si Antonia, natutunan niya ang maging mapagpatawad at pagbabago sa sarili.

Aniya, “I think for me what I learned a lot from Antonia is forgiveness and never holding grudges. Forgive, change for the better, move on.”

Gaya kay Caitlyn, pagbabago rin para sa ikabubuti ng lahat ang natutunan ni Cheska na gumanap bilang si Camille.

“With Camille naman po I think she taught me and what I really learned from her is that hindi pa huli para magbago para sa ikabubuti ng lahat. That you could always be a better person,” saad niya.

Para naman kay Tanya, ang iniwang aral sa kanya ng karakter niyang si Aira ay ang maging tapat sa kaibigan at sa lahat ng nagmamahal sa kanya.

Kuwento niya, “It was really a great experience to actually portray Aira, kasi if you're gonna be open minded about it, there's something more to her than what you see. I think I learned to be more loyal with the friends that I have and with the people that really love me and support me.”

Natutunan naman ni Kirsten bilang si Lina ang maging matapang para sa sarili at intindihin ang mga taong nakasakit sa kanya.

“For Lina naman po, it's also forgiveness kasi you have to forgive the people who hurt you kasi parang may pinagdaraanan din sila and also courage to stand up for yourself 'yun 'yung natutunan ni Lina kay Florence 'yun 'yung nabigay niya na lesson sa kanya,” ani Kirsten.

Dagdag naman ni Cheska, “Just to add po, I think something din that we could all learn from Camille is that we should not judge anybody just how they act kasi there's a story behind how they are acting up kasi kung maldita ba sila probably they were hurt ganun so something like that po.”

Ang Luv Is: Caught in His Arms ay ang first collaboration project ng GMA at ng Wattpad Webtoon studios na TV adaptation ng hit web novel na “Caught in His Arms.” Ito ay pinagbibidahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Samantala, abangan ang mas tumitinding mga tagpo sa huling limang gabi ng Luv Is: Caught in His Arms, weeknights, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Mapapanood din ito sa GTV, Monday to Thursday, 11:30 p.m., at every Friday, 11:00 p.m. Balikan naman ang mga episode sa Pinoy Hits channel 6 sa GMA Affordabox at GMA Now.

BALIKAN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS SA GALLERY NA ITO: