
Nitong Miyerkules, October 23, uunahan ni Judy (Isabelle de Leon) si Audrey (Arra San Agustin) sa pag-amin sa kanyang inang si Grace (Manilyn Reynes) tungkol sa kanyang sikreto.
Para makaganti si Judy kay Audrey, ibubuking niya sa ina nito na nandito lamang siya sa Pilipinas at hindi natuloy magtrabaho sa Canada.
Ano ang mangyayari kung malaman ni Grace ang naging tadhana ng kanyang anak?
Panoorin:
Tutok na tuwing Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Prima Donnas at tiyak na mamahalin niyo ang Madrasta!