
Nitong Lunes, December 16, pumapabor na kay Audrey (Arra San Agustin) ang mga nangyayari sa buhay ni Sean (Juancho Trivino).
Masama ang kundisyon ni Dra. Elizabeth (Gladys Reyes) matapos pagtangkaan ang kanyang buhay. Samantala, unti-unti nang naliliwanagan ang isip ni Sean tungkol sa kanyang dating asawang si Katharine (Thea Tolentino).
Sa pagbabalik ni Audrey sa mansyon, tuloy-tuloy na bang aayon ang kapalaran para sa kanya?\
Panoorin:
Tutok na tuwing Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Prima Donnas at tiyak na mamahalin niyo ang Madrasta!