What's on TV

Magandang Dilag, mapapanood simula June 26 sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits

By Jansen Ramos
Published June 18, 2023 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

herlene budol in magandang dilag


Mapapanood ang kakaibang kwento ng paghihiganti sa 'Magandang Dilag' simula June 26 pagkatapos ng 'Abot-Kamay Na Pangarap' sa GMA at Pinoy Hits.

Tuloy na tuloy na ang world premiere ng inaabangang debut project ni Herlene Budol bilang bida sa serye, ang Magandang Dilag.

Tampok dito ang kakaibang kwento ng paghihiganti na matutunghayan na simula June 26, 3:20 p.m. sa GMA Telebabad at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Sa Magandang Dilag, may dalawang leading men si Herlene na sina Benjamin Alves at Rob Gomez na mga bagong magpapakilig tuwing hapon.

Magpapahirap sa character ni Herlene na si Gigi ang Elite Squad, na gagampanan nina Maxine Medina, Bianca Manalo, at Angela Alarcon. Lalabas din sa serye si Adrian Alandy bilang kontrabida.

Kabilang din sa star-studded cast ng Magandang Dilag ang mga batikang artista na sina Chanda Romero at Sandy Andolong, kasama si Al Tantay na may espesyal na pagganap, at ang Sparkle artists na sina Prince Clemente, Muriel Lomadilla, at Jade Tecson.

Bukod sa telebisyon, maaari rin mapanood ang Magandang Dilag online kasabay ng pag-ere nito sa TV via Kapuso Stream.

Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng programa sa GMANetwork.com, GMA Network YouTube channel, at GMA Drama social media pages.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang gmapinoytv.com/subscribe para malaman kung paano mapapanood ang Magandang Dilag overseas.

NARITO ANG HIGHLIGHTS NG CAREER NI HERLENE BUDOL: