GMA Logo magandang dilag lead cast
What's on TV

Love triangle sa 'Magandang Dilag,' dapat abangan

By Jansen Ramos
Published June 26, 2023 1:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

magandang dilag lead cast


Sino kaya kina Benjamin Alves at Rob Gomez ang makakatuluyan ni Herlene Budol sa 'Magandang Dilag'?

Nakabuo agad ng chemistry ang newbie actor na si Rob Gomez kay Herlene Budol habang nasa set ng bagong GMA Afternoon Prime series na Magandang Dilag na magpe-premiere na ngayong June 26.

"Hindi naman mahirap makatrabaho si Herlene. We became friends at first, tropa-tropa, she's really chill like that. She's always fun to be around, siguro do'n po nag-start where we actually get to talk properly and, on the set, we have fun, we make jokes, everyone of us," bahagi ni Rob sa media conference ng Magandang Dilag noong June 17.

Isa si Rob sa leading men ni Herlene sa serye, kung saan gaganap ang aktor bilang si Jared Ilusorio, gwapo at mayamang lalaki na sasamantalahin ang tiwala at pagmamahal ng isang inosenteng babae--si Gigi--na gagampanan ng aktres, para lokohin ito.

Ani Rob, "na-impress" siya sa acting ng kanyang kapareha.

Si Benjamin Alves ang isa pang makakatambal ni Herlene sa Magandang Dilag, kung saan gaganap naman siyang si Atty. Eric Oliveros, ang personal na abogado ni Gigi at ma-i-in love sa kanyang kliyente.

Tanong ng press, sino kaya sa kanila ni Rob ang dapat makatuluyan ni Herlene sa serye?

Sagot ni Ben, "Well, 'yan ang dapat n'yo panoorin hanggang sa dulo para malaman n'yo kung sino 'yung pipiliin ni Gigi. Pero kung ako si Gigi, mahihirapan siya because kami naman dalawa ni Jared at saka ni Eric, gagawin namin talaga ang lahat.

"Actually, it's something to look forward to, 'yung love triangle namin, 'yung chemistry naming tatlo so, at the end, 'yung mga Kapuso po natin na manonood ng show, mahihirapan din po sila pumili."

Mapapanood din sa Magandang Dilag ang mga batikang artista na sina Sandy Andolong, Chanda Romero, at Al Tantay sa isang espesyal na pagganap.

Kasama rin sa cast sina Adrian Alandy, Maxine Medina, Bianca Manalo, Prince Clemente, Angela Alarcon, Muriel Lomadilla, at Jade Tecson.

Mapapanood ang Magandang Dilag Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., pagkatapos ng Abot-kamay na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.

Ipapalabas din ito sa Pinoy Hits (channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now) at online via Kapuso Stream.

TINGNAN ANG ILANG LARAWAN MULA SA MEDIA CONFERENCE NG MAGANDANG DILAG: