GMA Logo magandang dilag characters
What's on TV

'Magandang Dilag,' patuloy na namamayagpag sa ratings!

Published August 22, 2023 2:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

magandang dilag characters


Consistent na mataas ang nakukuhang ratings ng sinusubaybayang GMA Afternoon Prime series na 'Magandang Dilag.'

Trending na, panalo pa sa TV ratings ang lalong paganda nang pagandang kuwento ng paghihiganti sa Magandang Dilag.

Patuloy na namamayagpag sa ratings game ang sinusubaybayang GMA Afternoon Prime, na pinagbibidahan ni Herlene Budol.

Sa August 3, 2023 episode nito, nakamit ng programa ang pinakamataas na rating simula nang umere ito sa telebisyon noong June 26.

Nakapagtala ito ng combined rating na 13.2 percent para sa GMA at Pinoy Hits, base sa preliminary/overnight data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement People Ratings ng Nielsen Philippines.

Napanood sa nasabing episode ang beautiful transformation ni Gigi (Herlene) para maghiganti sa mga nang-api sa kanya, ang Elite Squad, matapos siyang mailabas ni Sofia (Chanda Romero) sa ospital.

Sa mga sumunod na episode, consistent pa ring mataas ang nakukuhang rating na Magandang Dilag, na naglalaro sa markang 11 percent hanggang mahigit 12 percent.

KILALANIN ANG IBA PANG CAST MEMBERS NG MAGANDANG DILAG DITO:

Patuloy na subaybayan ang Magandang Dilag mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 ng hapon sa GMA at Pinoy Hits.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pag GMA owned and operated online platforms.