What's on TV

Banggaan nina Herlene Budol at Maxine Medina sa 'Magandang Dilag,' patindi nang patindi!

By Jansen Ramos
Published September 25, 2023 2:35 PM PHT
Updated September 25, 2023 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Herlene Budol at Maxine Medina sa Magandang Dilag


It's Greta (Herlene Budol) vs. Blaire (Maxine Medina) ngayong linggo sa 'Magandang Dilag.'

The real 'bardagulan' begins sa pinag-uusapang drama sa hapon na Magandang Dilag.

Sa hype plug ng GMA Telebabad series ngayong linggo, titindi ang galit ni Blaire (Maxine Medina) kay Greta (Herlene Budol), o Gigi sa totoong buhay, matapos umurong sa kasal ang fiance niyang si Jared (Rob Gomez) para iligtas si Greta mula sa nasusunog na studio.

Nang masagip ni Jared si Greta, aaminin na niya ang tunay na nararamdaman niya para sa dalaga.

Gagantihan ni Blaire si Greta at manggugulo sa engagement party nina Jared at Greta, na mapapanood din ngayong linggo sa Magandang Dilag.

Mababaligtad ang mundo nina Greta at Jared dahil ang lalaki naman ang maghahabol sa dalaga.

Pursigido si Greta na mapaikot ang lalaking minahal niya noon para gantihan ito sa ginawa nitong panloloko noon.

Samantala, hindi lang sina Greta at Blaire ang magkakabangga kundi rin sina Jared at Atty. Eric na noon pa concerned kay Gigi.

Makuha na kaya ni Gigi ang inaasam na hustisya ngayong nagkakagulo na ang Elite Squad?

Subaybayan 'yan sa Magandang Dilag Lunes hanggang Biyernes, 3:20 ng hapon sa GMA at Pinoy Hits.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Available naman ang full episodes at episodic highlights ng Magandang Dilag sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA-owned and operated online platforms.

NARITO ANG IBA PANG CAST MEMBERS NG MAGANDANG DILAG: