Magandang Dilag: Greta V, inamin na siya si Gigi Robles!

GMA Logo Herlene Budol and Adrian Alandy in magandang dilag

Photo Inside Page


Photos

Herlene Budol and Adrian Alandy in magandang dilag



Isang matinding rebelasyon ang napanood sa sinusubaybayang drama sa hapon na Magandang Dilag.

Sa episode ng GMA Afternoon Prime series ngayong Miyerkules, October 4, sa mismong araw ng kasal nila ni Jared (Rob Gomez) inamin ni Greta V (Herlene Budol) ang pinakatago-tago niyang sikreto.

Complete attendance ang Elite Squad kaya naman naghanda si Greta V para sa kaniyang big reveal.

Nanggigigil na inamin ni Greta na siya si Gigi habang nasa altar sa harap ng kanilang guests.

Tinanggal niya ang kaniyang puting wedding dress para ipakita ang kaniyang pulang damit bilang simbolo ng kaniyang paghihiganti.

Pinamukha ni Gigi ang mga kasalanan na ginawa sa kaniya at sa kaniyang inang si Luisa (Sandy Andolong) nina Blaire, Riley, Allison, Magnus, at Jared matapos siyang lokohin ng mga ito para makapanghuthot ng pera sa kaniya.

Nakakuha naman ng kakampi Gigi sa pamilya ng iba pang mga nabiktima ng Elite Squad para makuha ang hustisya matapos maltratuhin ang mga ito ng mapagsamantalang grupo.

Umiyak na lang ang groom na si Jared sa rebelasyon ni Gigi habang nakokonsensiya sa mga ginawa nila noon dito.

Tingnan ang ilang eksena sa October 4 episode ng Magandang Dilag sa gallery na ito.


Revengeful bride
Happy groom
Wedding gone wrong
Failed marriage
Gigi's witness
Red dress
Greta V is Gigi Robles
Elite Squad's victims
Vengeance

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo