GMA Logo barbie forteza
Photos from barbaraforteza (IG) & reallysharoncuneta (IG)
What's on TV

Barbie Forteza, handa na bang makumpara kay Sharon Cuneta sa 'Maging Sino Ka Man' series?

By Jansen Ramos
Published July 7, 2023 12:41 PM PHT
Updated September 5, 2023 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza


Barbie Forteza: "Kung mapapanood man ni Ms. Sharon Cuneta ang Maging Sino Ka Man, sana magustuhan n'ya."

Isa sa iconic films nI Megastar Sharon Cuneta ang Maging Sino Ka Man kung saan nakatambal niya si Robin Padilla.

Matapos ang mahigit 30 years, bibigyan ito ng modernong bersyon ng GMA.

Pagbibidahan ito nina Barbie Forteza at David Licauco na bibigyan ng bagong bihis ang mga karakter sa Maging Sino Ka Man na sina Monique at Carding para sa TV adaptation ng pelikula.

Hindi na nakakagulat kung sakaling ikumpara sila kina Shawie at Binoy pero ayon kay Barbie, hindi niya kailangang makipag kumpitensya dahil mataas ang respeto niya sa iniidolong niyang si Megastar.

"One of my favorites actresses is Miss Sharon Cuneta, so it's my great honor to remake one of her iconic films na hindi ko naman papangarapin na ma-compare sa kanya dahil nag-iisa lang naman ang Miss Sharon Cuneta," bahagi ng Kapuso star sa panayam ng GMANetwork.com kamakailan.

Bukod sa pag-arte, hinahangaan din ni Barbie sa Megastar ang kababaang loob nito.

Pagbabalik-tanaw niya, "Nami-meet ko na po si Ms. Sharon casually, parang nagkita kami sa isang mall dati and she was very warm, she is very approachable. Actually, I'm not sure kung kilala na niya 'ko at that time, pero sobrang gaan ng pakikipag-usap n'ya sa 'kin. Kami nga ni Mama parehas kaming fan ni Ms. Sharon, so parang ang sarap sa feeling na 'yung idol mo gano'n ka i-approach."

Ngayon pa lang, labis na ang pasasalamat ni Barbie sa seasoned actress/singer na inspirasyon niya sa pagganap bilang Monique.

Ani ng Sparkle artist, "Gusto ko lang magpasalamat sa kanya and gusto ko lang sabihin sa kanya na I'm excited to start doing Maging Sino Ka Man kasi s'ya 'yung original and parang masaya ang magiging experience. Sana kung mapapanood man ni Ms. Sharon Cuneta ang Maging Sino Ka Man, sana magustuhan n'ya."

Nangako naman si Barbie na ibibigay nila ni David ang kanilang best para mabigyan ng "modern touch" ang kanilang characters.

Makakasama ng BarDa sa Maging Sino Ka Man sina Juancho Trivino, Faith Da Silva, Mikoy Morales, at Rain Matienzo.

Parte rin ng cast ang mga batikang artista na sina ER Ejercito, Jeric Raval, at Ms. Jean Garcia.

TINGNAN ANG MGA LARAWAN MULA SA STORY CONFERENCE NG MAGING SINO KA MAN.