GMA Logo barbie forteza and david licauco
What's on TV

Barbie Forteza at David Licauco, nirerespeto ang kani-kanilang personal na buhay

Published September 3, 2023 3:52 PM PHT
Updated September 5, 2023 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Celtics exploit short-handed Bucks for latest lopsided win
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza and david licauco


Ayon kay Barbie Forteza, may limitasyon ang tambalan nila ng kanyang 'Maging Sino Ka Man' leading man na si David Licauco. Alamin dito:

Inusisa ng entertainment media sina Barbie Forteza at David Licauco tungkol sa kanilang intense scenes sa Maging Sino Ka Man sa media conference ng upcoming TV series nila noong Huwebes, August 31, sa Meridian Hall ng Luxent Hotel sa Quezon City.

Mas marami na kasi ngayong tagpo sina Barbie at David kumpara sa Maria Clara at Ibarra at mas pisikal pa ang kanilang mga eksena.

Sa GMA adaptation ng pelikulang ipinalabas noong '90s, tumatak ang nakakakilig na linyang: "Kaya kitang mahalin maging sino ka man."

Tanong ng entertainment media kay David, maingat ba ang aktor para hindi dumating sa puntong masasabi niya sa aktres ang linyang iyon sa tunay na buhay?

Sa tugon ng aktor, in-acknowledge niya ang nobyo ng leading lady niyang si Jak Roberto.

"We're good friends and I have respect for Jak, and hindi ko naman s'ya iniisip," maikling sagot ni David.

Maraming BarDa fans ang umaasang totohanan na sana ang tambalan ng phenomenal love team.

Pero paliwanag ni Barbie, aware sila sa ni David may limitasyon din ang kanilang tambalan.

Ika ng aktres, "As per the fans, as grateful as we are for the support nila sa amin na kahit hindi namin hiningi, ibinigay nila sa amin nang buong puso, syempre sabi nga po ni Ms. Lea Salonga, we have to set our personal boundaries because, at the end of the day, tao po kami so I guess David will agree with me 'yung personal lives namin outside this partnership, outside this love team are off limits."

Diin pa niya, "The people that make us happy, the people that love us, family, loved ones, off limits po 'yun, hindi po 'yun kasama sa trabaho."

JAK ROBERTO NOT JEALOUS OF DAVID LICAUCO

Simula nang sumikat ang BarDa, paulit-ulit nang natatanong si Barbie kung nagseselos ba si Jak sa onscreen partner niyang si David.

Sa punto ito, tila nawalan na ng pasensya si Barbie at tinapos na ang isyu once and for all.

"Wala talaga, ever since nag-pick up ang BarDa, sumikat ang BarDa, it has always been the question, kung nagseselos ba. Hindi nga, so can we stop?," wika ni Barbie.

Dugtong pa niya, "Parang napapagod na 'ko sumagot. Hindi ko na alam kung paano pa iibahin ang wording...kasi parang 'yun 'yung laging tanong. E, wala nga at all."

Hindi rin daw kailangang bigyan ng assurance ni Barbie si Jak na hindi siya mapo-fall sa kanyang leading man dahil aware si Jak sa kanilang trabaho bilang artista.

Sabi pa ni Barbie, "Siguro 'yung assurance na tinatanong n'ya sa 'kin sa set is kung nakakakain ba 'ko, kung 'di ba ko natutuyuan ng pawis, 'yung ganon, 'yung may care. 'Yung selos wala talaga so parehas kaming aktor, alam na namin 'yan."

Samantala, wala rin daw pakialamanan sina Barbie at Jak sa kani-kanilang career.

Paliwanag ni Barbie, "Naging magkarelasyon kami na parehas na kaming may pinapangalagaang image and reputation so naging malinaw sa amin pagdating sa karera, walang pakialamanan pagdating sa trabaho. Walang pakialamanan.

"And ako, I know what I want. Alam ko kung anong career path ang gusto ko so alam ko kung anong dapat kong gawin. Hindi ko kailangan ng boyfriend para magsabi sa 'kin kung anong dapat kong gawin."

Mapapanood ang Maging Sino Ka Man tuwing Lunes hanggang Biyernes, simula September 11, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.