
Maging si Barbie Forteza ay nasorpresa sa topless scene ng kanyang loveteam partner na si David Licauco sa bago nilang serye na Maging Sino Ka Man.
Nakita ng entertainment media ang reaksyon ng aktres sa media conference ng programa kung saan ipinalabas ang AVP at music video nito at napanood ang nasabing eksena.
"Nagulat ako kasi alam ko wholesome na s'ya ngayon. Nagulat ako may nakita akong nipples," komento ni Barbie habang tumatawa nang makitang nakahubad ang Pambansang Ginoo sa video. "Okay naman s'ya, actually, inalagaan naman 'yung shot."
Pahiwatig ni Barbie mas marami pang fierce na eksena si David na dapat abangan sa Maging Sino Ka Man. Patuloy niya, "Nagulat lang talaga 'ko and I guess isa 'yon sa magpapatunay na we'll be seeing more of fierceless David in this project, 'di ba? Talagang binigay na niya lahat so marami tayong aabangan sa kanya." Sundot na tanong ng media sa aktres, "Hindi mo ba madalas makita 'yon?
Tugon ng Primetime Princess, "Unfortunately, sa kasamaang palad, wala nga po ako sa eksenang 'yon so 'di ko alam na may gano'ng eksena." Dagdag pa ni Barbie, hindi niya in-expect ang eksena dahil "prim and proper" si David sa tunay na buhay.
Mapapanood ang Maging Sino Ka Man weekdays, simula September 11, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.