What's on TV

BarDa, mas maraming bardagulan sa 'Maging Sino Ka Man'

By Jansen Ramos
Published September 11, 2023 5:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza and david licauco


Mapapanood ang 'Maging Sino Ka Man' weekdays, simula ngayong Lunes, September 11, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Bago pa man maging FiLay, nakilala na sina Barbie Forteza at David Licauco sa kanilang mga bardagulan sa Maria Clara at Ibarra.

Sa historical portal series, nakahanap ng katapat ang preskong si Fidel sa katauhan ng palabang modernong babae na si Klay na naging ugat ng kanilang successful love team.

"Sa bardagulan nga kami nag-start e, 'di ba, parang do'n nabuo 'yung FiLay so hindi talaga kami nagta-try na magpakilig. Ang unang intensyon namin was to show the difference of a modern woman and someone from his time, 'yung aming wavelength, 'yung common interests and differences, 'yung gano'n. 'Yun lang 'yung gusto naming ipakita no'ng una hanggang sa kinilig na nang kinilig 'yung mga tao," bahagi ni Barbie sa panayam ng GMANetwork.com

Kung sa Maria Clara at Ibarra tila aso't pusa sina Barbie at David, asahan daw na mas marami pa silang bardagulan sa bago nilang serye na Maging Sino Ka Man.

Ani Barbie, "Definitely, more scenes together, action packed. May bardagulan din, oo. Yes, hindi mawawala 'yon. 'Yung aming transition sa characters ibang-iba rin talaga 'yung characters namin dito sa Maging Sino Ka Man and 'yung similarity naman, we will still tackle the issues of today."

Sa Maging Sino Ka Man, magdi-disguise bilang lalaki si Monique, ang karakter ni Barbie.

Pero ayon sa aktres, hindi raw nawawala kay David ang pagiging gentleman kahit pa in character siya bilang Dino.

Kwento ni Barbie, "Tawang-tawa ko, 'di ba, kalat na sa TikTok 'yung video, 'yung nag-umpugan kaming gano'n. Lalaki ako, bakit ako inalalayan no'ng nag-umpugan kami?"
Dugtong niya, "Parang sabi ko, ang gentleman naman niya sa lalaki."

Kung gentleman at heart si David, asahan daw na ibang-iba ito sa ipakikita niya sa Maging Sino Ka Man kung saan sasabak siya sa action.

Si David mismo ang gumagawa ng kanyang action scenes at iba pang stunts para sa serye gaya ng pagsampa sa ibabaw ng umaandar na container truck, paglambitin sa lubid, at pakikipagsuntukan.

Pero ayon kay David, hindi ito magiging posible kung wala ang kanilang mga direktor.

Bahagi ng aktor, "Very passionate ni Direk Zyro, 'yung AD namin, and of course, si Direk Enzo Williams. Nakikita ko 'yung passion nila especially sa action.”
"Kasi, ako, before 'pag action, honestly, tinatamad ako kasi gusto ko 'yung mga romantic scenes e,” aniya.

"Tapos no'ng naka-work ko na sila Direk Enzo, 'yung action talaga na-appreciate ko e, parang mas gusto ko 'to kesa romantic ah."

Panoorin ang buong panayam sa video sa itaas.

Ang Maging Sino Ka Man ay isang special limited series na hango sa 1991 film na may parehong pamagat.

Ipapalabas ito mula Lunes hanggang Biyernes, simula September 11, 8::00 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA LARAWAN SA GINANAP NA MEDIA CONFERENCE NG MAGING SINO KA MAN.