GMA Logo barbie forteza
What's on TV

Barbie Forteza 'Maging Sino Ka Man' BTS, viral na!

By Jansen Ramos
Published September 19, 2023 12:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza


Sa loob lang ng isang araw, may 4.4 million views na agad sa TikTok ang video ng pag-i-internalize ni Barbie Forteza para sa kanyang role sa 'Maging Sino Ka Man.'

Hinangaan ng netizens ang pagiging propesyonal na aktor ni Barbie Forteza nang mapanood ang isang behind-the-scenes video ng paghahanda ng aktres para sa isang eksena sa action-drama series na Maging Sino Ka Man.

Mapapanood sa BTS video ang pag-i-internalize ni Barbie habang binubuhasan ng tubig para sa eksena kung saan gumapang sa putikan si Monique, karakter ng aktes, matapos mahulog sa ilog nang ipitin ang motor na sinasakyan niya ng karakter ni Jeric Raval na si Alex, tauhan ni Gilbert--ginagampanan ni Juancho Trivino--na gustong ipapatay ang dalaga sa serye.

Bilang paghahanda sa malaking eksena, kinatawan na agad ni Barbie ang pagiging helpless ni Monique bago pa kunan ang eksena.

Ang nasabing behind-the-scenes video ay in-upload sa GMA online platforms kabilang na sa TikTok, kung saan nakakuha agad itong mahigit four million views sa loob lang ng isang araw.

@gmanetwork WATCH: Barbie Forteza, nag-iinternalize habang binubuhusan ng tubig! 👏 #barbieforteza #magingsinokamangma #stunt ♬ original sound - GMA Network

Pinuri naman ng TikTok users si Barbie dahil sa ipinakita nitong dedikasyon sa kanyang trabaho.

Reaksyon ni @Orti_Ali, "Ang galing ni Barbie. Internalization pa lang,she's already there and as a viewer, you feel you are also right there with her. Proud of you Barbs."

Bumilib si @Khelo kay Barbie dahil nakapag-internalize agad ito ilang minuto lang bago kunan ang eksena.

"ang galing ni barbi nakapag internalized agad," ika ng TikTok user.

Base sa video, isang take lang kinunan ang eksena, bagay na lalong napahanga ang fans ni Barbie.

"Sabi ng director one take lang yan.. kahit kakagaling lang nya sa sakit segi pa din sya. appreciate na lang ang effort.. walang arte magaling talaga," komento ni @itsmeemma0212.

Patunay lang ito na hindi biro ang pagiging artista dahil sa ipinakitang husay ni Barbie.

Ani @shie0325, "ang hirap pala maging artista.. ang galing niya pati ako nadala sa iyak niya."

Mapapanood ang Maging Sino Ka Man weekdays, 8:00 p.m. sa GMA, I Heart Movies, at Pinoy Hits. Ipinapalabas din ang special limited series sa GTV at 9:40 p.m.

Mapapanood din ang Maging Sino Ka Man online kasabay ng pag-ere nito sa TV via Kapuso Stream.

Available naman ang catch-up episodes at episodic highlights ng programa sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.

Ang Maging Sino Ka Man ay mula sa direksyon ni Enzo Williams.

SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG BARDA SA MAGING SINO KA MAN: