GMA Logo Barbie Forteza and David Licauco in Maging Sino Ka Man
What's on TV

Barbie Forteza, David Licauco masayang magkatrabaho muli sa 'Maging Sino Ka Man'

By Kristian Eric Javier
Published September 28, 2023 7:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No new regulations vs imported cars, modifications, tire age — LTO chief Lacanilao
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza and David Licauco in Maging Sino Ka Man


Para kina 'Maging Sino Ka Man' stars Barbie Forteza at David Licauco, iba ang kanilang nararamdamang tuwa sa tuwing nakakatrabaho ang isa't isa.

May malaman at makahulugang sagot si Barbie Forteza nang tanungin siya kung paano niya ilalarawan ang kanyang working relationship sa kanyang Maging Sino Ka Man leading man, David Licauco.

“It feels like coming home.”

Sa interview ng dalawang Sparkle stars sa GMA Regional TV morning show na Mornings with GMA Regional TV, sinabi ni Barbie na kahit marami na silang naging projects matapos ang serye nilang Maria Clara at Ibarra, iba pa rin ang pakiramdam 'pag gumagawa ng serye.

“Nagka-movie kami together, and thankfully meron din kaming endorsements together, and as time goes by, mas marami talaga kaming napagsasamahan,” sabi ng aktres.

Dagdag pa nito, “Ngayon, sa Maging Sino Ka Man, talagang ang saya lang kasi I get to collaborate again with David when it comes to acting, siyempre, and doing scenes.”


Ibinahagi rin nina David Licauco at Barbie Forteza ang kani-kanilang paraan para paghandaan at mag-internalize ng kanilang mga karakter.

Para kay David Licauco, “Ang ginagawa ko talaga, switch ko 'yung sarili ko, ok, Carding na'ko. So 'yung lakad, kung paano magsalita.”

Samantalang si Barbie Forteza naman ay inaaral muna ang character at script ahead of time, at sinabing malaking tulong ang maging familiar sa environment ng character.

“Ayun, mas parang nakaka-in character 'pag nandun ka sa location, mas ramdam mo e,” paliwanag nito.

At nang tanungin sila kung ano pa ang dapat abangan sa serye, ang sagot ng Kapuso Primetime Princess, “Abangan niyo po kung tuluyan nang mapapalayo si Monique o si Dino sa kanyang ina na si Belinda (Jeanne Garcia).”

Dito, ipinahiwatig na rin ni Barbie ang gigil niya kay Gilbert, ang karakter na ginagampanan naman ni Juancho Trivino sa serye.

“Alam mo, 'yan si Gilbert, nangigigil ako dyan e. Sa TV ko pa lang nakikita pero nangigigil ako e. Hindi ko pa siya nakaka-eksena pero looking forward to have scenes with Juancho Trivino,” sabi ng aktres.

Para naman sa Pambansang Ginoo, “Sa'kin naman kung ma-i-in love siya (Carding) kay Dino.” biro nito.

“Hindi, joke lang. Tingnan natin, malay niyo. Love wins, 'di ba?” dagdag ng aktor.

Panoorin ang naging interview nila dito: