What's on TV

Mika Salamanca makes an appearance in 'Maging Sino Ka Man'

By Jansen Ramos
Published October 18, 2023 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

mika salamanca in maging sino ka man


Sa 'Maging Sino Ka Man,' gumaganap ang YouTuber na si Mika Salamanca bilang isang vlogger na may fascination sa crime stories.

Bukod kina Dyosa Pockoh at viral best friends na sina MJ at Lala, may bagong content creator na namang napanood sa GMA Telebabad series na Maging Sino Ka Man.

Tampok sa October 17 episode ng serye ang YouTuber na si Mika Salamanca.

Sa special limited series, ginagampanan niya ang karakter ni Sarah, isang vlogger na may fascination sa crime stories na nakuha niya mula sa kanyang yumaong ama na isang journalist.

Tila isang detective na nag-iimbestiga si Sarah at laging laman ng police station para makakalap ng impormasyon tungkol sa kasong tinatalakay niya sa kanyang vlog/podcast.

May kinalaman ito sa kriminal na si "Robinhood." Nais niyang malaman ang tunay na identity nito at kung bakit ito nagnanakaw mula sa smugglers at mga sindikato dahil, para kay Sarah, maaaring biktima rin ang mga kriminal.

Panoorin ang full episode:

Samantala, may special appearance din ang batikang aktres na si Alice Dixson sa Maging Sino Ka Man.

Gumaganap ang aktres dito bilang Claudette, dating arts professor ni Monique (Barbie Forteza) na kumupkop sa dalaga, kay Carding (David Licauco), at sa mga alagang bata nito habang tinutugis sila ni Alex (Jeric Raval).

Patuloy na subaybayan ang Maging Sino Ka Man weeknights, 8:00 p.m. sa GMA, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Mapapanood din ang special limited series sa GTV sa ganap na 9:40 ng gabi.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Available naman ang full episodes at episodic highlights ng Maging Sino Ka Man sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.

NARITO ANG IBA PANG ARTISTANG NAPAPANOOD SA MAGING SINO KA MAN.