Cast ng TV adaptation ng 'Maging Sino Ka Man,' kilalanin

Ipinakilala na sa isang story conference ang iba pang cast na bubuo sa TV adaptation ng iconic film na Maging Sino Ka Man na pagbibidahan ng Kapuso love team na sina Barbie Forteza at David Licauco (BarDa).
Naganap ito noong July 5, sa GMA Network Studio Annex. Dinaluhan ito ng BarDa at kapwa GMA artists nila na sina Juancho Trivino, Faith Da Silva, Mikoy Morales, at Rain Matienzo.
Star-studded ang lineup ng cast ng Maging Sino Ka Man dahil parte rin nito ang mga batikang artista na sina E.R. Ejercito, Jeric Raval, at Jean Garcia.
Sa Maging Sino Ka Man, mapapasabak din sa action sina Barbie at David bukod sa drama.
Sasailalim ito sa direksyon ni Enzo Williams na direktor ng acclaimed films na "Bonifacio: Ang Unang Pangulo" at "The Escort."
Tingnang ang mga larawan mula sa story conference ng Maging Sino Ka Man.













