
Isang dream come true para kay Bakekang super fan Lovely Abella ang makasama si Kapuso actress Sunshine Dizon sa Magkaagaw.
Sa Instagram, nakuwento ng aktres na dahil isa siyang super fan ng series ay minsa'y gusto na niyang pumasok sa telebisyon para lang ipagtanggol ang karakter ni Sunshine.
Aniya, “Dati super fan ako ng Bakekang, as in no. 1 fan -- lagi ko talagang inaabangan, hindi ako pwedeng lumabas ng bahay 'pag Bakekang na, 'yung nagagalit ako sa mga nang iinsulto at nang aapi sa kanya at gustong gusto ko pumasok sa TV para lang maipagtanggol siya.
“Kaya grabe lang [kasi] sino ang mag aakala na ngayon nakakatabi, nakakausap, katrabaho at kaibigan ko na siya.. God is so Good sobra!!!!
“Ate @m_sunshinedizon forever fan mo ako at di matatapos ang paghanga ko sayo.. and mga Ga ilongga man na siya. #bastailonggagwapa #magkaagaw”
Maalalang gumanap si Sunshine bilang si Bakekang noong 2006.
Bago ang Magkaagaw, mapapanood sina Sunshine at Lovely sa huling linggo ng Wagas: Throwback Pag-ibig, pagkatapos ng Eat Bulaga.
Sunshine Dizon, excited sa kanyang karakter sa 'Wagas: Throwback Pag-ibig'
'Wagas' fans, kinilig sa tambalang Sunshine Dizon at Mike Tan