
Napuno ng halakhakan ang naganap na mediacon para sa drama series na Magkaagaw kahapon, October 14.
Naitanong ng press ang batikang aktres na si Sunshine Dizon kung nahirapan ba siyang gumanap bilang mistress ng asawa ni Veron, ang karakter na gagampanan ni Sheryl Cruz.
Pabirong sambit nito, “Hindi naman.”
“To be honest, siyempre the situation with Laura is different so character-wise, you get to sympathize with her na she was just placed in the situation when wala naman siyang choice at hindi naman niya kasalanan iyon.
“Ang dating kasi dito ako yung kabit pero hindi naman talaga sinasadya ni Laura na maging kabit.
“Pero she was never the reason for the break up ng characters nina Sheryl [Cruz] at Alfred [Vargas].”
Bagamat mukhang kabit ang karakter nito sa serye, paliwanag ni Sunshine na wala raw pruweba ng kasal o CENOMAR noong dekada '90s.
“Actually this was a fact, na early '90s wala pang CENOMAR so you wouldn't really know na may former asawa na yung magpapakasal sa iyo.
“And this is what happened in the story.”
Gaganap si Sunshine bilang si Laura isang mapagmahal na babae at magiging second wife ni Mario, ang karakter ni Alfred Vargas.
WATCH: Sunshine Dizon, inagawan nga ba?
Sa parehong media conference, naitanong pa ang aktres kung nanibago raw ba ang pananaw niya sa mga kabit ngayong ganoon rin ang role niya sa serye.
“Never!” sagot ni Sunshine.
“Ano naman kasi, iba talaga 'yung situation ni Laura cause she was put in the situation na wala siyang laban. I hope that is clear with the audience.
“In real life, that is a totally different story. When you know that someone is married with kids, bakit mo papasukan 'yung sitwasyon, 'di ba? Hindi tama iyon!”
Maalalang nagsampa ng kaso si Sunshine sa naging mistress ng asawa nito na si Timothy Tan. Mayroon silang dalawang anak.
Dagdag pa nito, isinasantabi raw niya ang kanyang mga personal na opinyon tuwing gaganap sa isang role na kontra sa kanyang paniniwala.
“But sabi ko nga, trabaho ko ito. The same thing when you guys asked bakit ko in-accept yung Ika-6 na Utos, sabi nila medyo kahawig daw sa istorya ng buhay ko.
“Sabi ko nga, I am an actor. Whatever role that is given to me, I will gladly accept lalo na if it's challenging because it pushes me to do better and exercise my skills.
“Kailangan nating ihiwalay ang ating personal na opinyon kapag tayo'y gumaganap ng isang karakter. Sometimes lumalaban ang utak natin dahil tao lang tayo.
“But you know, it comes with training. 'Pag artista ka, marunong ka dapat mag-isantabi.
“Pero kung ang tanong ay magbabago ba ang opinyon ko sa mga kabit? Never.”
Subaybayan si Sunshine Dizon sa Magkaagaw simula October 21 pagkatapos ng Eat Bulaga!
WATCH: Sunshine Dizon at Sheryl Cruz, muling magtutunggali sa 'Magkaagaw'