
Hindi na makapaghintay ang netizens na makitang magkasama muli ang mga batikang aktor na sina Sunshine Dizon at Polo Ravales sa Magkaagaw .
Sa pamamagitan ng Instagram, nagbahagi si Polo ng kuha nila ni Sunshine sa set ng Magkaagaw.
"Abangan ang muling pagtatambal namin ni @m_shunshinedizon sa Magkaagaw," sulat ni Polo sa caption.
Hindi naman mapigilan ng ilang netizens na mag-reminisce, dahil naging mag-loveteam sina Sunshine at Polo sa hit '90s series na TGIS at Anna Karenina.