TV

Netizens, inaabangan ang reunion nina Sunshine Dizon at Polo Ravales sa 'Magkaagaw'

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi na makapaghintay ang netizens na makitang magkasama muli ang mga batikang aktor na sina Sunshine Dizon at Polo Ravales sa Magkaagaw .

Sa pamamagitan ng Instagram, nagbahagi si Polo ng kuha nila ni Sunshine sa set ng Magkaagaw.

"Abangan ang muling pagtatambal namin ni @m_shunshinedizon sa Magkaagaw," sulat ni Polo sa caption.


Hindi naman mapigilan ng ilang netizens na mag-reminisce, dahil naging mag-loveteam sina Sunshine at Polo sa hit '90s series na TGIS at Anna Karenina.