GMA Logo
What's on TV

LOOK: Klea Pineda malaki ang pasasalamat kay Sunshine Dizon sa 'Magkaagaw'

By Cara Emmeline Garcia
Published December 19, 2019 10:47 AM PHT
Updated December 23, 2019 12:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

19 areas under Signal No. 1 as Wilma approaches Samar Island
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Marami ang natutunan ni Klea Pineda kay on-screen mother Sunshine Dizon sa 'Magkaagaw.'

Malaki ang pasasalamat ni Magkaagaw star Klea Pineda sa kanyang on-screen mother and co-star na si Sunshine Dizon.

Sa kanyang Instagram stories, nagpasalamat ang young actress kay Sunshine sa patuloy na paggabay sa kanya lalo na sa mga emosyonal na eksena sa hit GMA Afternoon Prime series.

Ani Klea, “Appreciation post for my Mama Laura [ang karakter ni Sunshine.]

“Thank you, ate @m_sunshinedizon for always pushing me to my limits [on] every scenes!

“Isa ka sa mga iniidolo ko dito sa industry! Salamat dahil naniniwala po kayo na kaya ko 'to at 'di niyo po ako pinapapbayaan sa mga eksena natin.”

Naibahagi rin naman ni Sunshine sa GMANetwork.com noon ang ilan sa mga napansin niya tungkol kay Klea Pineda.

Aniya, “She's very kind, she's very sweet and she's always willing to listen.

“Listening kasi is very important for an actor because we learn a lot from listening.”

Patuloy na panoorin sina Sunshine Dizon at Klea Pineda bilang ang mag-ina na sina Laura at Clarisse sa Magkaagaw, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime.

EXCLUSIVE: Sheryl Cruz, pinuri si Klea Pineda sa 'Magkaagaw'

WATCH: Sunshine Dizon reacts to her throwback photos