
Tabi diyan Veron (Sheryl Cruz) kasi si Clarisse (Klea Pineda) pa rin ang boto ng netizens para sa puso ni Jio (Jeric Gonzales)!
Pagkatapos ng sunud-sunod na pagpaplano ni Veron para magkahiwalay ang mag-asawa, mukhang malaki pa rin ang chance na magkasama muli sila lalung-lalo na't pinagkakaablahanan nila ang paghahanap sa kanilang anak na si Jade (Cassy Lavarias).
Sa bagong teaser post ng GMA Drama, malaki ang pag-alala ni Clarisse nang sumama si Jio sa mga pulis upang iligtas ang anak.
Todo-kilig ang ramdam ng netizens sa pag-alala ni Clarisse sa dating asawa.
Magkabalikan na kaya ang dalawa? Alamin 'yan sa Magkaagaw, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.
May na-miss ka bang episode? Maari mo nang panoorin ang latest episodes ng Magkaagaw, 24 oras pagkatapos ng airing, sa GMANetwork.com o sa GMA Network app.