What's on TV

Klea Pineda, pansin ang pagbabago kay Jeric Gonzales sa pagbabalik nila sa taping ng 'Magkaagaw'

By Marah Ruiz
Published December 19, 2020 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Magkaagaw stars


Ayon kay Klea Pineda, malaki daw ang pagbabago ni Jeric Gonzales nang muli silang magkita sa taping ng 'Magkaagaw.'

Nagbalik trabaho na ang cast ng GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw para sa kanilang lock-in taping.

Isa si Kapuso actress Klea Pineda sa mga unang dumating sa set. Sumunod naman sa kanya ang leading man niyang si Jeric Gonzales.

Aminado si Klea na na-miss niya ang mga katrabaho, kasama na si Jeric.

Magkaagaw stars

At dahil ilang buwan din silang hindi nagkita, ikanagulat daw niya ang naging physical transformation nito.

"Ako mismo, na-miss ko si Jeric kasi 'yung pagiging gentleman niya, 'yun 'yung nakita ko sa kanya agad. Ang tangkad niya. Parang nanibago ako sa itsura kasi pumayat si Jeric eh. Pumayat ng sobra si Jeric, tapos grabe 'yung nag-gain siya ng muscles niya," pahayag ni Klea.

Masaya din si Jeric sa naging reunion nila ni Klea.

"'Yung excitement nandoon talaga na nag-coffee ulit kami. Gawain namin 'to together, 'yung tulungan namin dito sa work. 'Yung sweetness ni Klea siyempre na-miss ko 'yan," pahayag naman ng aktor.

Sa susunod na linggo matatapos ang kanilang lock-in taping at lalo daw kaabangabang ang mga eksenang mapapanood sa Magkaagaw.

"Halos lahat ng eksena po na kinukuhanan namin, lahat siya heavy scene. Maraming mangyayari kay Clarisse, kay Gio, kay Laura, kay Veron. Pinaikot-ikot talaga 'yung story hanggang sa mainiis na talaga 'yung mga viewers," ani Klea.

Sang-ayon naman si Jeric dito dahil masasagot na rin ang ilang bagay na binitin nila sa serye.

"Kung saan kami nag-end during pandemic, 'di ba parang cliffhanger siya? Papunta na siya sa climax. Ito na talaga 'yun. Ito na 'yung ginawa namin dito. Talagang pinaghirapan namin. Ang ganda noong mga eksena. Aabangan talaga siya," ani Jeric.

At dahil malapit na rin ang Pasko, may mga regalo na rin silang iniisip ibigay sa isa't isa.

"Si Jeric kasi mahilig siyang mag-coffee so feeling ko puwedeng coffee maker. Puwedeng coffee machine, espresso machine kasi mahilig siyang mag-kape. Ever since nag-start, nag-work pa kami before ng 'Ika-5 Utos,' mahilig talaga siya mag- kape," kuwento ni Klea.

Gusto naman daw maka-match ni Jeric si Klea sa balak niyang regalo.

"Cap. Kasi napansin ko dati, noong nagka-cap ako, mahilig din siya so parang gusto ko na parang parehas kami doon. Nagkakasundo kami so parang 'yun 'yung gusto kong ibigay sa kanya," bahagi ni Jeric.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Kung hindi ito mapanood, pumunta lamang dito.