GMA Logo Magkaagaw
What's on TV

'Magkaagaw' cast, pressured ba sa pagbabalik ng high-rating serye?

By Cara Emmeline Garcia
Published January 18, 2021 12:06 PM PHT
Updated January 18, 2021 6:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

IPC may duplicate functions of Ombudsman, DOJ —Palace
#WilmaPH accelerates slightly as it crosses Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Magkaagaw


Sa pagbabalik ng 'Magkaagaw' sa GMA Afternoon Prime, nakakaramdam ba ng pressure ang cast? Alamin DITO:

Cool and calm ang buong cast ng hit-rating serye na Magkaagaw sa pagbabalik nito sa telebisyon ngayong hapon, January 18, sa GMA Afternoon Prime lineup ng network.

Ani nina Sunshine Dizon, Sheryl Cruz, Jeric Gonzales, Polo Ravales, at Dion Ignacio, bagama't naging patok daw ang serye pre-lockdown ay hindi sila nakaramdam ng pressure sa pagbabalik nito lalo na't maganda ang materyal na nakuha nila noong nagkaroon sila ng lock-in taping noong Disyembre.

Kuwento ni Sunshine Dizon na gumaganap bilang Laura Santos sa serye, “Palagay ko, pressure-wise nasa audience na 'yun, e.

"Kumbaga, basta kami feeling ko naman ang pagbabalik ay matindi kaya aabangan naman talaga nila.”

Ganito rin ang sentimyento ng kontrabida ng show na si Sheryl Cruz, na gumaganap bilang ang mapangahas na si Veron Santos.

“I feel the same way as Ms. Dizon,” wika niya sa GMANetwork.com

“Kung ano man ang sinabi niya, I agree with that.

"We did our best and it's just a matter of us waiting for it to air altogether. Mag-countdown na lang tayo ngayong Monday with the airing of the recap episodes at sa February 15 naman ay masisilayan n'yo na ang fresh episodes ng 'Magkaagaw.'

“We put it in God's hands. Kasi we already did our part as an actor in 'Magkaagaw' and it's time na ipakita naman sa amin ng mga taga-suporta namin ang kanilang pagmamahal at suporta para sa show.”

Para kay Jeric Gonzales proudest moment niya ang pagganap bilang Jio Almonte sa show kaya i-expect ng fans na ibinigay niya ang kanyang lahat para bigyan buhay ang kanyang karakter sa telebisyon.

Aniya, “Hindi siya pressure kasi ito ang pinakaproudest moment ko dahil natapos ko siya. Sa sobrang hirap, dito ako nag-grow as an actor and proud ako na natapos ko ito. Masasabi ko na maganda talaga siya.

“Thankful ako sa bumubuo ng 'Magkaagaw.' From Direk Gil [Tejada Jr.], mga co-actor ko tulad nina Ms. Shine, Ms. She, Polo, Dion, at Klea -- sa lahat. Thankful ko na natapos ko to and I'm very proud.”

Super excited na rin sina Polo Ravales at Dion Ignacio na mapanood ang kanilang roles sa telebisyon lalo na't matagal na nilang natapos ang huling eksena mula sa kanilang lock-in taping.

“No pressure at super excited ako kung paano kami tatanggapin ng audience,” wika ni Polo Ravales.

“Hopefully, mas maganda 'yung pagtanggap sa amin ng audience at masarap din 'yung feeling na natapos namin 'yung TV show lalo na kakaiba 'yung condition namin at naka lock-in taping kami.

“So, for me, wala masyadong pressure and it's more of excitement kasi gusto kong makita 'yung kinalabasan ng pag-arte namin sa shoot.”

Dagdag naman ni Dion Ignacio, “Sa akin walang pressure but for sure naman ibinigay namin ang 110% namin o mas lagpas pa kaya excited na rin ako mapanood ito sa February 15. Abangan n'yo po ang maiinit na episodes ng 'Magkaagaw.'”

Abangan ang mainit na pagbabalik ng Magkaagaw sa GMA Afternoon Prime simula ngayong Lunes, January 18.

Samantala, tingnan ang mga naganap sa lock-in taping ng high-rating series sa gallery na ito: