
Sina Kapuso stars Derrick Monasterio, Elle Villanueva, at Kristoffer Martin ang bibida sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Bibigyang-buhay nila ang isang kuwento ng mag-asawang kapwa ginayuma ng isang lalaki.
Si Derrick ay si Elmer, isang magsasaka na mapapasailalim sa gayuma ng katrabaho niya.
"It's unique. Kakaiba siya kasi 'yung story niya, ginayuma. Siyempre hindi pa naman ako ginagayuma in person so para rin talaga kong na-immerse sa mga albularyo. Iba rin talaga 'yung mga effect, goosebumps," lahad niya.
Si Elle naman ay si Dessa, asawa ni Elmer na maapektuhan din ng gayuma.
"Noong una na-challenge talaga ako kasi 'yung paggagayuma, medyo bago siya sa akin. Doon ako nag-research about the story and the character. And 'yung pagiging gender fluid, ang daming factors kung paano mo ilalaro 'yung role na 'to," kuwento ng aktres.
Si Kristoffer naman ay si Raul, ang lalaking manggagayuma kina Elmer at Dessa.
"Na-excite lang ako doon sa thought na parang mastermind ako dito, parang may lihim siya sa loob. The fact na true to life 'to, may ganito talagang naganap, mas nakaka-excite siyang gawin," paglalarawan niya sa kanyang karakter.
Makakawala ba sina Elmer at Dessa mula sa gayuma ni Raul? Paano nito maaapektuhan ang relasyon nila bilang mag-asawa?
Abangan ang kakaibang kuwentong 'yan sa brand new episode na "Mag-asawa, Ginayuma," April 29, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: