What's on TV

Faye Lorenzo, gaganap sa sarili niyang talambuhay sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published May 25, 2023 5:40 PM PHT
Updated April 25, 2024 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robust consumer spending boosts US third-quarter economic growth
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Faye Lorenzo


Bibigyang-buhay ni Faye Lorenzo ang sarili niyang talambuhay sa 'Magpakailanman.'

Kuwento ng buhay ni Kapuso actress and comedienne Faye Lorenzo ang tampok sa real life drama anthology na Magpakailanman.

Espesyal ang episode dahil si Faye mismo ang gaganap sa kanyang sariling talambuhay na iikot sa mga pagsubok bago siya nakapasok sa mundo ng showbiz.

"Ang sakit pala sa puso na balikan mo 'yung nakaraan. Tapos na [ang mga pangyayari], pero nandoon pa rin [ang emotions]. Kailangan mong balikan ulit 'yung emotion na un, yung nangyari noon," pahayag ni Faye sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Masakit mang balikan ang nakaraan niya, magandang paaalala pa rin daw para kay Faye ang episode.

"Looking back, ang layo-layo na pala noong narating ko. I know malayo pa 'yung lalakbayin ko pero kung titignan ko siya, ang layo layo na noong narating ko [simula noon,]" lahad ng aktres.
Isang espesyal na damit daw ang dapat abangan sa episode dahil galing mismo ito sa personal na koleksiyon ni Faye. Hanggang ngayon, nanantili daw itong mahalaga para sa kanya kaya minarapat niyang ibahagi rin ito sa kanyang Magpakailanman episode.

"Ito 'yung suot ko noong nag-audition ako, buhay pa 'yung lola ko [noon.] Kasama ko siya na bumili nito kaya sobrang memorable sa akin nitong damit na 'to, kaya ayoko din siyang i-let go," kuwento niya.

Abangan ang natatanging pagganap ni Faye Lorenzo sa sarili niyang talambuhay sa "Daughter's Dollhouse: The Faye Lorenzo Story," April 27, 8:00 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episodes nito sa Kapuso Stream.

May delayed telecast din ito sa GTV at Pinoy Hits, 9:45 p.m.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: