IN PHOTOS: 15 anyos na binata at kanyang madrasta, may lihim na relasyon sa '#MPK'

Kontrobersiyal na kuwento ang hatid ng real life drama anthology #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado, January 30.
Tampok dito ang ipinagbabawal na relasyon sa pagitan ng isang 15 taong gulang na binata at kanyang madrasta.
Uhaw sa pagmamahal ng isang ina si Bong at kanyang mga kapatid matapos silang iwan ng kanilang nanay.
Kaya naman lubos ang ligaya nila nang ipakilala ng kanilang tatay na si Ambet ang bago nitong kinakasamang si Mikaela.
Bagamat, mas bata kaysa kay Ambet, si Mikaela na ang tatayong ina ng magkakapatid.
Mapapalapit si Bong kay Mikaela, pero hindi niya inaasahang magiging higit pa dito ang relasyon nila.
Kahit pa malaki ang agwat ng kanilang edad, may mabubuong lihim na relasyon sa pagitan ng dalawa.
Ililihim nila ito mula kay Ambet, ngunit walang sikretong hindi nabubunyag.
Ang young actor na si Bruce Roeland ang gaganap bilang si Bong.
Si Kapuso actress Katrina Halili naman ang gaganap bilang madrasta niyang si Mikaela.
Makakasama nila sa episode ang beteranong aktor na si Alan Paule na gaganap naman bilang Ambet.
Bukod sa kanila, bahagi din ng episode sina Dion Ignacio, Kelvin Miranda, Marc Justine Alvarez, Gigi Locsin, Ana Castro at Jun Palatao.
Huwag palampasin ang episode na pinamagatang "Mahal Ko ang Asawa ng Ama Ko" ngayong Sabado, January 30, 8:00 pm sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa naturang episode sa gallery na ito.




