
Espesyal ang buong buwan ng August bibida si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa month-long special ng #MPK o Magpakailanman.
Apat na magkakaibang kuwento ang bibigyang-buhay ni Alden sa apat na brand new episodes ng real life drama anthology.
Sa isang virtual media conference, ibinida ni Alden ang mga episodes na dapat abangan sa #MPK ngayong August.
Unang sa mga ito ang episode na pinamagatang "A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story" na mapapanood sa August 5.
"Ang role ko po doon is a runner with a condition called cervical dystonia. Dystonia po is involuntary muscle movement. Marathon runner po siya pero mayroon po siyang ganoong klaseng condition. He didn't let that condition get in the way of fulfilling his dreams," bahagi ni Alden.
Susundan ito ng napapanahong kuwento ng "Epal Dreamboy: The Richard Licop Story" na matutunghayan naman sa August 12.
"It's the story of an influencer. Very now siya since social media personality siya. Coming from the title itself, medyo hindi nagugustuhan noong mga tao 'yng mga pinapakita niya sa mga social media accounts niya na malaki 'yung nagiging epekto sa kanya," lahad ng aktor.
Sa araw na ginanap ang virtual media conference, katatapos lang ding i-shoot ni Alden ang pangatlong episode na "The Lost Boy" na mapapanood sa August 19.
"Ang story naman noon is parang minsan akala natin our relatives mean well sa pagtulong pero at the end of the day, we realize na ginagamit na pala nila tayo sa mga maling bagay," paglalarawan niya sa kuwento nito.
Looking forward naman siya na i-shoot ang pang-apat at huling episode ng month-long special niya na "Sa Puso't Isipan" na nakatakdang ipabalas sa August 26.
"May mental illness ang kanyang mga magulang and kapatid so siya 'yung nag-aalaga. Surprise po kung ano 'yung magiging epekto nito sa kanya. I think that would be one of my most favorite episodes to do, 'yung with mental illness na family," ani Alden.
Talagang nasubok ang acting skills ni Alden sa pagganap niya sa mga episodes na ito kaya excited siyang maibahagi ang mga ito sa mga manonood.
"It's very challenging kasi contrast sila sa isa't isa. Walang similarites 'yung mga roles. I think as an actor, I'm looking for something that's not the usual. Marami na rin po akong nagawang mga projects and siyempre doon tayo sa laging nare-reinvent 'yung point of view ko pagdating po sa trabaho ko bilang aktor," paliwanag niya.
Abangan ang natatanging pagganap ni Alden Richards sa apat na brand new episodes ng #MPK, every Saturday, 8:15 p.m. ngayong buong buwan ng August sa GMA.
Naka-livestream din nang sabay ang bawat episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
SAMANTALA, SILIPIN ANG PAGBABALIK-TANAW NI ALDEN RICHARDS SA KANYANG CAREER SA GALLERY NA ITO: