What's on TV

Alden Richards, gaganap bilang tagapangalaga ng magulang na parehong may mental illness sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published August 24, 2023 2:16 PM PHT
Updated August 24, 2023 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards on MPK


Bibigyang-buhay ni Alden Richards ang kuwento ng isang anak na nag-aalaga ng mga magulang na kapwa may mental illness sa bagong episode ng '#MPK.'

Pinaka-intense ang ikaapat at huling offering ng "Alden August" monthlong special ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Sa bagong episode na ito, bibigyang-buhay ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang kuwento ng isang anak na nag-aalaga ng kanyang magulang na parehong may mga kundisyon sa pag-iisip.

Gaganap si Alden dito bilang Andrew, panganay sa tatlong magkakapatid.

Nagsisikap siya sa pangangalakal ng basura at pagtitinda ng pagkain kasabay ng kanyang pag-aaral para may pangtustos sa gastusin ng kanyang mga magulang at mga kapatid.

Na-diagnose kasi ng schizophrenia ang kanyang ama, habang may bipolar disorder at epilepsy ang kanyang ina.

Nagiging bayolente ang mga ito kung minsan kaya kinakailangan niyang ikulong sa isang silid para hindi makapanakit.

Nag-aaral pa lang rin ang dalawang nakababatang kapatid ni Andrew at sa kanya lang umaasa.

Sa bigat ng mga problemang hinaharap ni Andrew, pati ba sarili niyang pag-iisip ay maaapektuhan na rin?

Abangan ang pinakamatinding pagganap ni Alden Richards sa brand new episode na "Sa Puso't Isipan: The Cantillana Family Story," August 26, 8:15 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.