What's on TV

Kiray Celis, gaganap sa sarili niyang talambuhay sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published December 1, 2023 9:33 AM PHT
Updated December 23, 2025 1:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis


Abangan ang pagsasadula ng buhay ni Kiray Celis sa Magpakailanman.

Buhay ng aktres at komedyanteng si Kiray Celis ang matutunghayan sa real life drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado.

Espesyal ito para kay Kiray dahil siya mismo ang gaganap sa kanyang sarili sa episode na ito.

Iikot ang episode sa pagsisimula ng career ni Kiray, pati sa mga pagsubok na hinarap ng kanyang pamilya. Bukod dito, mapapanood din ang buhay pag-ibig ni Kiray na puno ng ups and downs.

"Suwail ako, nakakahiya. Lagi nilang sinasabi na 'pag past na, 'pag nangyari na, matawa ka na lang pag naalaala mo. Ganoon nga, totoo nga talaga. Nakakatawa lang saka nakakahiya talaga," lahad ni Kiray tungkol sa ilang parte ng kanyang buhay na ibinahagi niya sa Magpakailanman.

Makakasama ni Kiray sa episode si Radson Flores na gaganap bilang boyfriend ni Kiray na si Stephan, Tina Paner na gaganap bilang nanay niyang si Mama Yam at Smokey Manaloto na gaganap naman bilang tatay niyang si Papa Tani.

"Sana po panoorin niyo ang kuwento ng buhay ko sa Magpakailanman. Ako po ay gaganap bilang Kiray Celis, as is. Sana po abangan niyo at sana mag-enjoy kayo at sana may matutunan po kayo sa aking buhay at kuwento. Maraming salamat po," ani Kiray.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:


Abangan ang "I Am Beautiful: The Kiray Celis Story," December 27, 8:15 p.m. sa Magpakailnaman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Panoorin naman ang pasilip ni Kiray sa episode sa exclusive behind-the-scenes video na ito: