What's on TV

Ashley Ortega at Amy Austria, gaganap na mag-ina sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published December 7, 2023 10:06 AM PHT
Updated December 8, 2023 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Korean stars Kim Myung Soo, Choi Bo Min named PH tourism ambassadors
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega and Amy Austria


Reunited sina Ashley Ortega at Amy Austria sa bagong episode ng '#MPK' kung saan gaganap sila bilang mag-ina.

Muling magkakasama ang mga aktres na sina Ashley Ortega at Amy Austria sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Matapos gumanap na mag-ina sa GMA Telebabad series na Hearts on Ice, muli silang gaganap na mag-ina sa bagong episode ng #MPK na pinamagatang "I Am Not My Mother."

Si Ashley ay si Zari, habang si Amy naman ang nanay niyang si Melba.


Pinalaki si Zari ng lola niyang si Saning (Lui Manansala). Mahina kasi si Melba laban sa iresponsable at babaerong asawa niyang si Arjan (Neil Ryan Sese).

Aabot pa sa puntong dadalhin ni Arjan sina Melba at Zari sa bahay ng kabit niyang si Nancy (Crystal Paras) para dito makitira.

Dahil dito, ipapangako ni Zari sa kanyang sarili na hindi siya kailanman matutulad sa kanyang ina.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:


Abangan ang brand new episode na "I Am Not My Mother," December 9, 8:00 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.