
Love story sa pagitan ng magkaibang lahi ang tampok sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Pinamagatang "For Better or For Worse," pagbibidahan ito nina Max Collins at Michael Agassi.
Si Max ay si Michelle, online seller of skincare products. Si Michael naman ay si Abdullah, isang Egyptian businessman na palugi na ang negosyo.
Tutol ang pamilya ni Michelle sa relasyon nila ni Abdullah dahil bukod sa magkaiba sila ng relihiyon at kultura, kulang ang pinansiyal na kakayanan ng lalaki.
Gayunpaman, magpapakasal din sina Michelle at Abdullah. Magko-convert pa si Michelle sa Islam at gagamitin ang pangalang Maha.
Ano ang mga pagsubok na haharapin ng mag-asawa lalo na kung magsisimula na sila ng sarili nilang pamilya?
Bukod kina Max at Michael, bahagi rin ng episode sina Jennie Gabriel, Raquel Pareno and Luke Conde.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand new episode na "For Better or For Worse," January 20, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.