Article Inside Page
Showbiz News
Ang tao, kapag ipinanganak, natutukoy na ang kasarian: babae o lalaki. Sa kaniyang paglaki, saka naman ito nagkakaroon ng sariling isip, sariling desisyon: straight? Lesbian? Gay? Transgender? Pero paano kung ang isang tao ay hindi nabigyan ng choice? Paano kung ang isang tao ay nabigyan ng kasariang…hindi tiyak?
Ang tao, kapag ipinanganak, natutukoy na ang kasarian: babae? O lalaki? Sa kaniyang paglaki, saka naman ito nagkakaroon ng sariling isip, sariling desisyon: straight? Lesbian? Gay? Transgender? Pero paano kung ang isang tao ay hindi nabigyan ng choice? Paano kung ang isang tao ay nabigyan ng kasariang…hindi tiyak?
Ito ang kuwento ni Jonalyn Bulado. Ipinanganak si Jonalyn na may reproductive organs ng lalake at babae, at sa kaniyang mga unang taon sa mundo ay hindi matukoy ng mga doctor at ng mga magulang kung ano talaga ang kasarian niya. Confusion na naipasa rin nila kay Jonalyn, na siyang bininyagang Jonathan, habang lumalaki.
Nang umabot sa teen years si Jonalyn, nang mag-develop na ang katawan nito at nagkaroon ng menstruation, nag-decide na ang doctor at ang kaniyang mga guro na ituring siyang babae. Pero paano naman ang kaniyang mga kaklase? Mga kaibigan? Paano ang kaniyang ama na for the longest time ay ikinahiya ang anak niyang binabae?
Hindi naging madali ang buhay para kay Jonalyn, pero hindi rin niyang hinayaan na matalo siya ng mga challenges na ibinato sa kaniya ng kapalaran. At ngayong Sabado, ikukuwento ni Jonalyn ang hirap at tagumpay ng isang taong may dalawang kasarian.
Itinatampok sa episode na ito, sa kaniyang pinaka-daring at pinaka-challenging na role, si Lauren Young. Mula sa direksyon ni Neal del Rosario, sa panulat ni Venj Pellena at sa pananaliksik ni Angel Lauño, kasama sa episode na ito sina Caridad Sanchez, Rommel Padilla, at Tina Paner,
Magpakailanman airs this July 5, Saturday, pagkatapos ng
Marian.