GMA Logo ea guzman on mpk
What's on TV

EA Guzman, anak na uhaw sa pagmamahal ng ama sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published February 9, 2024 11:51 AM PHT
Updated February 9, 2024 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

The Donald J. Trump and John F. Kennedy Memorial Center for the Performing Arts
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

ea guzman on mpk


Bibigyang-buhay ni EA Guzman ang kuwento ng isang anak na uhaw sa pagmamahal ng kanyang ama sa bagong episode ng '#MPK.'

Muling ipapamalas ni EA Guzman ang pambihira niyang galing sa pag-arte sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Bibigyang-buhay kasi ni EA ang kuwento ni Darwin Chong, isang anak na uhaw na uhaw para sa pagmamahal ng kanyang ama.

Galing sa tradisyunal na Filipino-Chinese family si Darwin. Napakataas ng expectations sa kanya ng tatay niyang si Henry, played by Ricky Davao.

Dahil kulang sa gabay at pagmamahal ng kanyang ama, mapapariwara si Darwin. Malululong siya sa droga at magpo-positibo sa HIV.

Magagawa pa bang makabangon muli ni Darwin? Makukuha pa ba niya ang pagmamahal ng kanyang ama?

Bukod kina EA at Ricky, kabilang din sa episode sina Lovely Rivero, Angela Alarcon, Miggs Villasis, at Carlo San Juan.

Abangan ang brand new episode na "The Rejected Son," February 10, 8:15 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.