
Isang natatanging pagganap ang maaasahan mula kay Kapuso actress Katrina Halili sa brand-new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Gaganap si Katrina bilang Sally, isang babaeng bigo sa pag-ibig sa episode na pinamagatang "Second Chance sa Forever."
Abusive ang asawa ni Sally at nang magkaroon siya ng lakas ng loob na iwan ito, magtatrabaho siya sa ibang bansa.
Sisikapin ni Sally na mabawi ang kaniynag mga anak kaya trabaho at pag-iipon lang ang pinagkakaabalahan niya.
Pero kakatok sa kaniyang puso si Bobby, karakter ni Pancho Magno, na lalaking bigo rin sa pag-ibig.
Sila ba ang magiging second chance ng isa't isa?
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand new episode na "Second Chance sa Forever," March 2, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.