
Ipapamalas ng mga Kapuso stars na sina Max Collins, Rocco Nacino, at Mike Tan ang husay nila sa pag-arte sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Bibiyang-buhay nila ang episode na pinamagatang "Huwag, Bayaw!"
Si Max ay si Lilie, asawa ni Edgar na karakter naman ni Mike.
Sugarol, lasenggo, at babaero si Edgar at lagi pa niyang sinasaktan si Lilie.
Lagi namang siyang ipinagtatanggol ng kuya ni Edgar na si Roy, karakter naman ni Rocco. Si Roy na rin ang umaako sa ilang mga responsibilidad ni Edgar kay Lilie.
Dahil dito, magkakaroon ng relasyon sina Lilie at Roy. Matatanggap ba ito ni Edgar. Sino sa kanila ang nasa tama?
Abangan ang brand new episode na "Huwag, Bayaw!," May 4, 8:00 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
May delayed telecast din ito sa GTV at Pinoy Hits, 9:45 p.m.