
Isang natatanging pagganap ang ipapamalas ni Kapuso actress Lianne Valentin sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Bibida siya sa episode na pinamagatang "Crazy in Love" kung saan gaganap siya bilang hopeless romantic na si Irene.
Noong 19 years old pa lang si Irene, makikilala niya si Biboy--karakter na gagampanan ni Derrick Monasterio.
Mahahanap ni Irene ang lahat ng katangiang nais niya sa isang lalaki kay Biboy.
Pero ang pagmamahal ni Irene, magiging obsesyon at masasakal dito si Biboy.
Kakayanin kaya ni Irene kung sakaling iwan siya ng nobyo?
Bukod kina Lianne at Derrick, bahagi rin ng episode sina Almira Muhlach, Jean Saburit, at Shuvee Etrata.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang natatanging pagganap ni Lianne Valentin sa brand-new episode na "Crazy in Love," October 26, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.