GMA Logo The Candy Pangilinan Story
What's on TV

Candy Pangilinan, gaganap bilang kaniyang sarili sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published November 28, 2024 4:28 PM PHT
Updated November 29, 2024 10:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang empleyado, naranasang maging Christmas party performer noong bagong hire sila
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

The Candy Pangilinan Story


Bibida si Candy Pangilinan sa sarili niyang talambuhay sa unang 22nd anniversary special ng 'Magpakailanman.'

Tampok ang kuwento ng buhay ng aktres at komedyanteng si Candy Pangilinan sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Magpakailanman



Bilang unang sa tatlong 22nd anniversary specials ng Magpakailanman, ibinahagi ni Candy ang buhay niya bilang isang solo parent sa anak niyang si Quentin na na-diagnose ng attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) at nasa autism spectrum.

Lalong naging espesyal ang episode dahil si Candy mismo ang gaganap sa kanyang sarili rito.

Makakasama niya rito sina Euwenn Mikaell at Will Ashley na parehong gaganap kay Quentin sa magkakaibang bahagi ng buhay nito, pati sina Shyr Valdez at Sandy Andolong.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang unang 22nd anniversary special at brand-new episode na "My Very Special Son: The Candy Pangilinan Story," November 30, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.