What's on TV

Award-winning 'Magpakailanman' episode ni Alden Richards, mapapanood muli

By Marah Ruiz
Published January 2, 2025 4:45 PM PHT
Updated January 2, 2025 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards on Magpakailanman


Muling mapapanood ang award-winning episode ni Alden Richards sa 'Magpakailanman.'

Espesyal para kay Asia's Multimedia Star Alden Richards ang isang episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.

Ang tinutukoy niya ay ang episode na pinamagatang "Sa Puso't Isipan," ang ika-apat at huling offering ng "Alden August" month-long special ng Magpakailanman noong 2023.

Ito raw kasi ang pinakapaborito niya sa apat na kuwentong personal niyang pinili para sa month-long special na iyon.

"Of all the scripts, ito talaga 'yung top one favorite ko. Ang ganda kasi ng kuwento ng buhay niya and at the same time, it was really really hard for him," pahayag ni Alden.

Tatalakayin ng episode ang issue ng mental health dahil iikot ito kay Andrew, isang lalaking nag-aalaga ng ama na may schizophrenia at inang may bipolar disorder at epilepsy.

"To be taking care of his parents and at the same time, 'yung challenges na pinagdaanan nila sa family, hindi biro to the point na siya na 'yung nag-break. Siya mismo, nawala sa kanyang sarili," bahagi ni Alden.

Ito ang pinaka-intense sa lahat ng episodes na ginawa niya para sa "Alden August" kaya hiniling niya na si esteemed actress and director Gina Alajar ang kunin bilang direktor nito.

"Ang aking nanay, finally after a long time! Siya din po 'yung napili ko dito kasi she was my first director with my first ever Magpakailanman story," paliwanag ni Alden.

Tinutukoy ni Alden ang pagsasadula ng kanyang talambuhay noong 2013 kung saan si Gina ang nagsilbing director habang siya mismo ang gumanap sa kanyang sarili.

Mas tumibay pa ang pagkakaibigan nina Alden at Gina nang maging co-stars sa Start Up PH.

Bukod dito, minsan na ring binanggit ni Gina na isa si Alden sa mga aktor na pipiliin niya kung sakaling gagawin niya ang kanyang "last project" bilang direktor.

Dahil na rin sa mahusay na pagganap ni Alden sa episode, napili ito bilang national winner ng Best Single Drama/Telemovie/Anthology Episode sa 2024 Asian Academy Creative Awards.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang natatanging pagganap ni Alden Richards sa award-winning episode na "Sa Puso't Isipan," January 4, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.