
Ang actress and comedienne na si Pokwang ang bibida sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Sa comedy-drama episode na pinamagatang "Malas na Misis," gaganap si Pokwang bilang Aileen na ilang beses magiging biyuda.
May mga linya kasi sa palad ni Aileen na hugis kabaong at tanda daw ito ng malas.
Hindi ito pinaniniwalaan ni Aileen pero isa isa at magkakasunod na namamatay dahil sa iba't ibang dahilan ang kanyang mga naging asawa at live-in partners.
May pag-asa pa bang sumaya at magmahal si Aileen?
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "Malas na Misis," January 18, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.