GMA Logo Magpakailanman
What's on TV

Marco Masa, gaganap bilang anak na ipinalit sa droga sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published March 21, 2025 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Katrina Halili goes on El Nido trip with Kris Lawrence: ‘This is where everything resets’
8 in 10 Filipinos choose domestic travel for Holy Week 2026
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Bibigyang-buhay ni Marco Masa ang kuwento ng isang lalaking ipinambayad sa droga sa 'Magpakailanman.'

Si young Kapuso actor Marco Masa ang bibida sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Sa episode na pinamagatang "Anak, Kapalit ng Droga," bibigyang-buhay niya ang kuwento ni Jayvee, isang lalaking ipinambayad sa bawal na gamot ng sarili niyang ina noong siya ay sanggol pa lamang.


Mag-asawang drug pusher ang kinalakihang magulang ni Jayvee at nagsisilbi pa siyang drug runner para sa mga ito.

Buong akala niya, inabandona siya ng kanyang tunay na ina pero mas masakit pa pala ang katotohanan--na ipinagpalit siya nito sa droga noong sanggol pa lamang siya.

Magkakaroon pa ba ng magandang buhay si Jayvee? Mapapatawad pa kaya niya ang kanyang sariling ina, pati na ang amain at inain?

Makakasama ni Marco sa episode ang ilang mahuhusay na betaranong mga artista tulad nina Rita Avila, Epy Quizon at Sherilyn Reyes.

Mapapanood din dito sina Chanel Latorre at Cheska Fausto.

Abangan ang brand-new episode na "Anak, Kapalit ng Droga" March 22, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.