
Bibida si Kapuso comedian Sef Cadayona sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Bibigyang-buhay niya ang kuwento ng buhay ng kapwa komedyante na si Alex Calleja.
Nag-trending si Alex noong pandemic dahil sa stand-up comedy routines na ibinahagi niya online.
Mahirap ang naging buhay ni Alex simula noong bata pa siya dahil lulong sa sugal ang kanyang mga magulang.
Pumasok siya sa iba't ibang trabaho hanggang unti-unting napansin ang husay niya sa comedy.
Paano nga ba nabago ni Alex ang kanyang buhay sa gitna ng maraming pagsubok?
Bukod kay Sef Cadayona, bahagi rin ng episode sina Snooky Serna, Pinky Amador, Richard Quan, Faye Lorenzo, at Jennie Gabriel.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "Sa Tamang Panahon: The Alex Calleja Story," May 3, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.