
Aminado si Sef Cadayona na nahirapan siyang gampanan ang buhay ng komedyanteng si Alex Calleja na mapapanood ngayong gabi sa Magpakailanman.
Ayon kay Sef, nahirapan siyang sa ilang eksena kahit na isa rin siyang komedyanteng napapanood sa gag show na Bubble Gang.
"May isang segment doon na may stand-up pa akong sequence. Para po sa mga hindi nakakaalam, napakahirap po mag-stand-up comedy, kahit ako na umaarte, iba 'yung kaba kahit alam kong inaarte ko lang siya," saad ni Sef sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
Dagdag ni Alex, mapapanood sa Magpakailanman kung paano niya narating ang tugatog ng tagumpay kahit na hindi ito naging madali.
Aniya, "Pinakita doon kung paano ako nagsimula sa comedy, ano 'yung dinaanan kong pagsubok, paano ko nakilala 'yung asawa ko, may involvement rin ng sugal, 'yung ups and downs ng buhay ko."
"Para malaman nila kung saan ako humuhugot ng comedy dahil 'yung drama ng buhay ko, ginagawa kong comedy 'yun, e."
Ano kaya ang lesson na gustong maituro ni Sef sa mga manonood?
Pagtatapos niya, "Lahat ng mga success na nakikita natin sa kuwento ni sir Alex, makikita niyo 'yung struggle at kung paano niya nilabanan 'yung struggle na 'yun kasi may goal siya in life, may pangarap siya."
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras dito:
Abangan ang brand-new episode na "Sa Tamang Panahon: The Alex Calleja Story," May 3, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Related gallery: Buhay ng komedyanteng si Alex Calleja, tampok sa 'Magpakailanman'