What's on TV

Kuwento ng nanay na tila walang puso, tampok sa Mother's Day special ng 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published May 9, 2025 2:36 PM PHT
Updated May 9, 2025 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Remains of ex-DPWH Sec. Cabral brought to Manila
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Tampok sa Mother's Day special ng 'Magpakailanman' ang kuwento ng isang nanay na tila walang maibigay na pagmamahal sa kanyang mga anak.

Isang special Mother's Day presentation ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang "Ang Inang Walang Puso," kuwento ito ng isang ina na tila walang pagmamahal na maibigay sa kanyang mga anak.

Bibida dito ang aktres na si Shamaine Buencamino bilang Gloria.

Lumaki si Gloria sa isang abusive na pamilya. Dahil dito, tila may kamay na bakal din siya pagdating sa pagpapalaki ng sarili niyang mga anak.

Sobrang istrikto niya bilang isang disiplinarian, at malupit ang parusa niya sa mga susuway sa patakaran niya.

Paano magkakaroon ng pagmamahal ang isang pamilya na may inang tila walang puso?

Bukod kay Shamaine Buencamino, bahagi din ng episode sina Nonie Buencamino, Ina Feleo, Vaness del Moral, Mikoy Morales, at Althea Ablan.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang Mother's Day special at brand-new episode na "Ang Inang Walang Puso," May 10, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.